Sanggol sa Indonesia, na-rescue sa ilalim ng guho matapos mabaon ng 2 araw dahil sa lindol

ISANG 10-buwang gulang na sanggol ang himalang nabuhay sa kabila ng pagkakabaon nito sa ilalim ng isang gumuhong gusali matapos ang pagtama ng matin-ding lindol sa Indonesia.

Agad na binigyan ng emergency aid ang sanggol na kinilala sa pangalang Refi. Dalawang araw nang nakabaon sa guho si Refi matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa isla ng Lombok sa Indonesia.

Bukod sa pagkaka-rescue sa sanggol ay maituturing din na milagro ang tagumpay na panganganak ng isang babae sa makeshift na hospital sa lugar. Dahil sa sitwasyon ng kanyang pagsilang, pinangalanan ang bagong panganak na sanggol na “Gempa” na ang ibig sabihin ay lindol sa salitang Bahasa.

Tuluy-tuloy na muli ang pagsasagawa ng mga rescue operations sa lugar matapos itong tamaan muli ng isa pang 4.5 magnitude na lindol na sinundan naman ng 245 aftershocks.

Nasa 142 katao na ang bilang ng namamatay mula sa sakuna, na nagdulot ng pagkawasak ng libu-libong mga gusali at pagkawala ng tahanan para sa 20,000 katao.

Show comments