^

Punto Mo

National ID, dapat nga noon pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa wakas at sa tinagal-tagal ng panahon eto at ganap ng batas ang National ID System matapos ngang lagdaan ito kamakalawa ni Pangulong Digong.

Ilang Pangulo na ang nagtangkang maipatupad ito sa kanilang panahon o administrasyon pero hindi natuloy, dahil sa panunuhol at pagtutol ng ilang grupo. Ayun nagpadala sa mga bulong, kaya hindi umusad.

Pero ngayon bagamat may mga tumututol pa rin o bumabatikos sa batas na ito, hindi nagpatinag si Pangulong Duterte at tuluyan na itong pinirmahan para maging batas.

Sa ilalim ng batas, isang national ID lamang ang dapat ipakita kapag may transaksiyon sa gobyerno na isang daan para maiwasan ang red tape na magpapabilis sa mga transaksyon. Magkakaroon din ng isang Common Reference Number (CRN) ang lahat ng Filipino kung saan nakapaloob ang mahahalagang impormasyon.

Ito naman ang isa sa pinangambahan ng mga bumabatikos na at maaaring maabuso ang privacy ng bawat isa.

Eto nga ang nakapagtataka sa mga ito, ayaw ng national ID , delikado raw ang ibibigay na mga personal information , eh ang mga kukunin din namang  mga impormasyon ay katulad din ng kanilang ibinibigay kapag nag-apply sila ng police clearance, NBI at sa iba pang sangay ng pamahalaan.

May ilan na tinitignan na banta sa seguridad ang batas, pero iba ang inaasahan dito ng pamunuan ng AFP at PNP.

Mas lalo pa nga raw itong makakapagpalakas sa kampanya kontra kriminalidad at terorismo.

Malaking aspeto ang national ID sa pambansang seguridad ng bansa.

Mahubaran umano ng maskara ang mga kriminal at mga lawless group.

Ano nga ba ang dapat ikatakot sa isang national ID?

Kung meron man natatakot o aayaw dito eh baka yung may itinatago sa kanilang mga sarili o pagkatao.

vuukle comment

NATIONAL ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with