^

Punto Mo

E-Gates sa NAIA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

PINASINAYAAN the other day ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA Terminal 3 kabilang sina DOJ Secretary Menardo Guevarra, BI Commissioner Jaime Morente ang ‘E-Gate’ o electronic gate system project, upang higit pang mapabuti ang pagproseso ng mga internasyonal na pasahero at mabawasan ang mahabang queue ng mga biyahero sa mga paliparan.

Full blast ang E-Gates operation sa Lunes sa NAIA T3 na gagamitin ng mga madlang Pinoy passengers only.

Ikinuento ni BI OIC Deputy Commissioner at Port Ope­rations Division chief Marc Red Marinas, ang P329-million project na pinondohan ang national government at isang inisyatiba ng International Air Transport Association, sa pamamagitan ng  Fast Travel program nito.

Nilinaw ni Marinas, ang proyekto ay nasa experimental phase, kaya ito ay para sa madlang Pinoy passengers only  na may machine readable passports.

Ang mga bata, mga senior citizen sa wheelchairs at iba pang mga handicapped travelers ay sa mga BI regular counters pa rin bibigyan ng immigration clearance sa kanilang pag-alis at pagdating.

Samantala, sabi ni BI Commissioner  Jaime Morente, kaila-­ngan ang project na ito dahil na rin sa dumaraming mga pasahero ang international flights at maging pasahero ang pumapasok at umaalis sa paliparan at isa pang problema ay ang kakulangan ng mga immigration officers sa mga international airports.

Sa paglunsad ng proyekto sa NAIA, inaasahan na iiksi ang standard processing time para sa bawat traveler nang 8 hanggang 15 seconds mula sa kasalukuyang average ng 45 seconds.

Ibinida ni Marinas, na mas matutukoy ang mga pasahero na may mga derogatory records kabilang ang mga wanted fugitives, ang mga nasa immigration blacklist, watchlist at may hold departure order.

Ang E-Gates ay may mga modern security features tulad ng facial recognition, biometric scanning, bar code reading at smart card recognition na pinagsama sa isang sistema.

May 21 E-Gates ang planong ilagay bago matapos ang taon ito sa 5 major international airports. 

Ang 11 E-Gates ay ilalagay sa NAIA Terminal 1 at 3, habang ang lima ay ilalagay sa Mactan, tatlo sa Clark, at dalawa sa Davao. 

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with