^

Punto Mo

Mga ‘pasaway, ‘wag tantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nabulabog ang headquarters ng Manila Police District kahapon matapos na naman na anim nilang mga kasamahan ang nasangkot sa katiwalian.

Dalawa ngang tauhan ng MPD’s District Special Operations Unit (DSOU) ang agad na inaresto ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos na ireklamo ng pangongotong. Ang apat pa nilang kasamahan ay nawalang bigla.

Mistulang walang kadala-dala ang ilang mga pasaway, katatapus-tapos lang halos nang pagkakadakip sa ilang pulis Muntinlupa na nadawit din sa ‘hulidap’, eto at  sa Maynila naman.

Nauna nang inaresto ng mga tauhan ng MPD-DSOU ang walo katao sa may Sta Mesa, Maynila dahil umano sa kasong human trafficking.

Ang siste matapos arestuhin humihingi umano ng halagang P100,000 ang anim na pulis sa misis ng isa sa inaresto para sa kalayaan ng mga ito.  Nagkatawaran hanggang maibaba sa P50,000 pero lingid sa kaalaman ng mga dawit na pulis nagsumbong na ang misis sa CITF kung saan inihanda ang entrapment.

Mismong sa loob ng tanggapan ng DSOU dinakip ang dalawang sangkot na pulis habang ang apat na kasamahan, ayun nakatakas umano.

Eto pa, nabunyag din na walang written report na ginawa ang mga pulis sa kanilang mga inaresto kahit sa blotter hindi ito nakarekord, kaya ano pa nga ba, ibig sabihin talagang may binabalak ang mga ito.

Ayun na nga at nagkabukuhan na.

Halos ganitong ganito rin ang eksena ng Muntinlupa police matapos umanong ‘kotongan’ ang hinuli nilang drug suspects.

Paulit-ulit na lang ang paalala ng pamunuan ng PNP sa mga tauhan, pero mistulang hindi tumatalab sa ilang pasaway.

Pati nga kanilang mga commanders o superior damay din sa ilalim ng command responsibility.

Pero higit sa lahat damay ang buong command.

Kailan kaya mauubos ang mga ‘tiwali g’ na nang tuluyan nang maibangon ang imahe ng ating mga kapulisan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na tuluy-tuloy at hindi sila titigil sa ginagawang internal cleansing hanggang sa tuluyang maubos ang mga ’bulok ‘ sa loob ng hanay.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with