^

Punto Mo

EDITORYAL - Idaan sa ‘butas ng karayom’ ang police recruitment

Pang-masa
EDITORYAL - Idaan sa �butas ng karayom� ang police recruitment

GRABE na ang nangyayaring pagsalaula ng mga baguhang pulis sa kinabibilangan nilang organisasyon. Hindi na nila binibigyang kahihiyan ang pambansang pulisya. Sobra na ang ginagawa nilang pagdungis sa Philippine National Police (PNP). Mistulang mga demonyo sila na naka-uniporme ng asul.

Ang mga pulis na ito ang nagpapasakit sa ulo ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde sa kasalukuyan. Lahat nang paraan ay ginagawa ng PNP chief para mailapit sa taumbayan ang mga pulis pero inilalayo naman ng mga demonyong pulis na kadalasang may ranggong PO1 at PO2. Nasasayang ang mga pagsisikap ni Albayalde na ibangon ang imahe ng PNP. Patuloy sa pagdumi ang PNP dahil sa mga bagitong pulis.

Noong nakaraang linggo, apat na pulis mula sa narcotics unit ng Muntinlupa police ang nagdagdag na naman ng dumi sa PNP. Nahuli ang apat makaraang kotongan ang mag-ina na hinuli nila dahil sa droga. Unang hiningi ng mga pulis sa mag-ina ay P400,000 pero binabaan at ginawang P80,000. Mismong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang humuli sa apat sa mismong police station. Giniba nina Eleazar ang pinto ng station makaraang magtago roon ang apat.

Nakilala ang apat na pulis na sina PO1 Jonjon Averson, PO2 Farvy dela Cruz, PO3 Romeo Par at SPO1 Joe Jimenez. Nakatakas naman ang ilan pa nilang kasamahan. Nagpupuyos sa galit si Eleazar nang iharap ang apat na pulis. Sinibak din sa puwesto ang kanilang hepe. Ayon kay Eleazar, matagal na umanong ginagawa ng mga pulis ang pang-eextort sa drug suspects. Modus na umano ito. Hindi pa natatagalan ng tatlong MPD policemen ang nahuli rin dahil sa pang-eextort sa drug suspects.

Malaki ang problema ni Albayalde sa mga baguhang pulis. Paano nakapasok sa serbisyo ang mga ganitong pulis? Maluwag sa recruitment? Ang PNP na rin ang dapat sisihin kung bakit PO1 pa lamang ang pulis ay nagdudulot na ng problema. Hindi sinalang mabuti ang mga ni-recruit. Tanggap lang nang tanggap. Wala nang background check. Huli na nang malaman na mga “demonyo’’ ang na-recruit.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with