Dambuhalang buwaya na 8 taon nang tinutugis, nahuli na sa Australia
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

ISANG dambuhalang buwaya na naging mailap sa nakaraang walong taon ang nahuli na sa wakas sa Australia noong Martes.

Ang buwaya, na 15 talampakan ang haba at may bigat na 600 kilo, ay nahuli sa pamamagitan ng isang bitag na iniwan sa ilog malapit sa bayan ng Katherine.

Ngayon lang uli nakita ng mga tao ang buwaya, na huling namataan noong 2010.

Ilang taon din ang ginugol ng mga awtoridad para mahuli ang buwaya, na pinaniniwalaang 60-anyos na.

Sa laki at tanda ng buwaya ay hindi maiiwasang mamangha at respetuhin ito, ayon sa senior wildlife officer na si John Burke.

Balak dalhin ang buwaya sa isang crocodile farm upang hindi na ito makapanakit ng tao ayon kay Northern Territory wildlife operations chief Tracey Duldig.

Ang buwaya raw ang sinasabing pinakamalaki sa lahat ng nahuli sa ilog ng Katherine.

Nasa 250 ang bilang ng mga buwayang nahuhuli taun-taon sa Australia. Kadalasan ay dahil sa pag-atake sa mga tao ang dahilan kung bakit napipilitan ang mga awtoridad na dakpin ang mga ito.

Dumami na ang bilang ng mga saltwater crocodiles sa Australia simula nang ideklarang protektado ang mga ito sa ilalim ng batas.

Karaniwang nasa dalawang tao ang napapabalitang inaa­take sa Australia ng mga buwaya taun-taon, dahilan upang magkaroon ng panawagan sa pamahalaan para bawasan ang kanilang bilang.

BUWAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with