Milyong salapi sa loob ng ATM, nginatngat ng daga sa India
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 29, 2018 - 12:00am

UMAABOT sa 1.3 milyong rupees (katumbas ng P1 milyon) ang pinagpistahan ng isang daga sa India matapos itong makapasok sa automated telling machine (ATM) na pag-aari ng State Bank of India, isa sa mala-king banko roon.

Ito ang nadiskubre ng bank technicians nang buksan nila ang ATM na ilang araw nang inirereklamong sira.

Natagpuan nila sa loob ng ATM ang mga gula-gulanit na mga pera at isang patay na daga na hinihinala nilang ngumatngat sa mga ito.

Palaisipan naman sa mga technician kung paanong nakapasok ang daga sa ATM at nginatngat ang mga salapi roon. Pinaniniwalaang nakalusot ang daga sa mga butas na dinaanan ng mga kable ng ATM.

Tig-500 at 2,000 rupees ang nginat- ngat ng daga na umaabot sa 1.3 milyon.

Iniimbestigahan na ngayon ng State Bank of India kung paano nakapasok ang daga sa ATM lalo na’t wala namang na­kita sa kuha ng kalapit na CCTV camera.

Ang SBI ang pinakamalaking banko sa India at mayroon itong 50,000 ATMs at karamihan sa mga ito ay may kalapit na CCTV camera para sa dagdag na seguridad.

ATM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with