^

Punto Mo

Matandang Tinali (142)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makarating sa Maynila, ipinasya ni Dong na sa kanyang condo na muna magderetso at kinabukasan na niya pupuntahan ang address ni Joy sa Mayon St. Gusto rin naman niyang malaman kung ano na ang lagay ng kanyang ari-arian. Halos mag-iisang taon na niyang hindi napupuntahan ang kanyang unit. Ganun na pala katagal siyang namamalagi sa farm sa Nagcarlan.

Maayos naman ang kanyang unit nang datnan niya. Halatang walang nakatira dahil sa amoy na nakulob. Binuksan niya ang bintana para pumasok ang hangin at mawala ang amoy ng unit.

Nagpahinga lang siya at sunod namang pinuntahan ang kanyang dormitoryo sa P. Noval.

Tiyak na magugulat ang katiwala niyang si Boy kapag nakita siya. Paalam kasi niya kay Boy, matagal siyang mawawala. Bihira rin silang magkaroon ng komunikasyon ni Boy. Malaki ang tiwala niya kay Boy sa pamamahala sa dormitoryo. Pati ang paupahan niyang building sa Bustillos ay si Boy na rin ang namamahala.

Mula nang mabaril si Boy ng kasabwat ni Babes na muntik na nitong ikamatay, pinangako ni Dong na magkakaroon nang magandang buhay si Boy.

Gulat na gulat si Boy nang makita siya.

“Dong ba’t hindi ka man lang nag-text na darating ka!’’

“Biglaan Boy!’’

Ikinuwento niya ang mga pangyayari kay Boy.

Napangiti si Boy.

“Mukhang nakita mo na ang tamang babae, Dong.’’

Hindi nagsalita si Dong. Ngumiti lang ito.

‘‘Saan nakatira si Joy, Dong?’’

‘‘Sa Mayon St.’’

‘‘Diyan sa street na ‘yan ako dati nakatira. Mahaba ang Mayon.’’

‘‘Tamang-tama! Samahan mo ako bukas.’’

‘‘Sige, Dong. No problem.’’

‘‘Gusto ko nang malaman ang nangyari kay Joy.’’

“Madali nating makikita ang tirahan niya. Ako ang bahala!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with