^

Punto Mo

Matandang Tinali (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maagang nagising si Dong. Kailangang bago sumikat ang araw ay nasa bus station na siya para makasakay sa unang trip. Tiyak na siksikan sa mga bus dahil sa mga estudyanteng luluwas pa-Maynila.

Pagkakain ng almusal ay mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-impake siya ng ilang damit sa backpack.

Muli niyang pinasadahan ang address ni Joy na nakasaad sa billing ng Meralco: Mayon St. Quezon City. Alam niya ang address na iyon. Dun na pala lumipat si Joy. Townhouse iyon. Dati ay sa may Santo Domingo siya nakatira. Ipinagbili na siguro niya ang ari-arian doon.

Itinago niyang mabuti ang address ni Joy. Isiniksik sa bulsa ng backpack. Isi­narang mabuti ang kubo at saka bumaba.

Lumakad na siya. Malapit nang sumikat ang araw. Dapat nasa bus terminal na siya.

Nang palabas na siya sa kanyang farm, nasalubong niya si Manong Naldo.

“Saan ka pupunta Dong?’’

“Sa Maynila, Manong Naldo. Susundan ko si Joy dahil apat na araw na siya roon. Ayaw naman niyang sagutin ang tawag.Nag-aalala ako Manong.’’

“Sige. Naiintindihan kita, Dong. Mag-ingat ka.’’

“Salamat Manong, ikaw na ang bahala sa kubo namin ni Joy.’’

“Oo ako ang bahala.’’

“Salamat, Manong.’’

Umalis na si Dong.

Nang makarating sa bus terminal, eksaktong paalis na ang isang bus. May isang upuang bakante.

Nang makaupo siya, umabante na ang bus pa-Maynila.

Habang nagbibiyahe, si Joy ang nasa isip ni Dong.

Ano kaya ang nangyari kay Joy?

Bakit kaya hindi niya sina­sagot ang tawag ko?

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with