^

Punto Mo

Over acting!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang over acting daw ang pananaw ng marami sa ilang mga bumabatikos sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga ‘tambay’ nang ihalintulad ito agad-agad sa Martial Law.

Pinagdadadampot ang mga tambay lalo na sa dis-oras ng gabi bilang bahagi ng anti-criminality ng kapulisan sa ilalim ng mga ipinatutupad na city ordinance.

Bineberipika ang mga ito kung may mga record at kung wala naman pinapakawalan at sinasabihan.

Pero sa ilang gabing operasyon marami sa mga pinagdadampot ay natuklasang may criminal record at ang iba pa nga wanted sa batas kaya masasabing nakatulong sa kampanya ng kapulisan.

Hindi lang naman kasi dinampot dahil sa literal na nakatambay, may nilalabag silang kau­tusang katulad na lamang ng pag-inom sa mga pampublikong lugar, nakahubad na kakalat-kalat sa lansangan.

Dahil sa ‘crackdown’ sa tambay, mas lumakas pa nga ang police visibility sa mga lansangan kaya medyo naunsiyami ang mga balakin ng mga kawatan at kriminal.

Ilang araw na medyo nanahimik ang mga kawatan na napipigilang lumabas dahil sa nakakalat na mga tauhan ng pulisya na nagpapatrulya laban sa tambay.

Gayunman, kung umaabuso naman ang mga umaaresto, pwede naman silang magsumbong sa pangasiwaan ng PNP na agad namang aaksiyunan.

Una nang nasampolan ang dalawang Makati police na sinabak sa pwesto dahil sa maling trato sa dinakip na tambay.

Bahagi lang ito nang kaayusan lalu na sa mga lansangan. Huwag nang intrigahin.

Huwag nga lang maabuso at sana ay magpatuloy, hindi lang ningas-kugon.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with