^

Punto Mo

Eleazar, 3-star general na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SOBRANG buwenas ni NCRPO director Chief Supt. Guil-lermo Eleazar pag nagkataon dahil aprub na ni President Digong ang panukala ni Interior Sec. Eduardo Año na iparehas ang ranggo ng Philippine National Police (PNP) sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa AFP kasi mga kosa, ang isang tinatawag nilang Division ay hinahawakan ng isang 2-star general at kapag dalawang Division ang hawak ay 3-star general ang nakaupo. Kaya kapag ipinatupad ang mungkahi ni Año, ang puwesto ni Eleazar ay magiging 3-star general ang nakaupo. Siyempre, from one-star general, hahakbang si Eleazar sa pagka-3-star general. Di ba sobrang buwenas ang tawag d’yan mga kosa? Dahil nagkataon na si Eleazar ang nakaupo sa NCRPO habang tumatakbo ang metro ng suggestion ni Año? Boom Panes! Hak hak hak! Kapag nagtrabaho ka talaga may naghihintay na grasya, di ba mga kosa?

Kung ang NCRPO ay magiging 3-star general ang hepe, ang mga commander naman ng regional commands ng PNP ay magiging 2-star general. Kaya lang para ma-promote ka para sa 3-star o 2 star general, kailangan ay may isang taon ka pa sa puwesto at si Eleazar ay matagal pang magretiro. Kaya ang mga hepe ng mga Region ng PNP na retirable na ay hindi na kasali. Kasi nga mga kosa, hindi naman ora-orada ang pag-promote kina Eleazar at iba pa dahil kailangan pang dumaan ang suggestion ni Año sa Kongreso para maamyendahan ang PNP law, di ba kosang Paul Gutierrez Sir? Kaya baka abutin pa ng ilang buwan bago maipatupad ang naturang promotion. Kung sabagay, mabuti na ang may hinihintay kaysa wala. Pag nangyari ang promotion, ng 3-star at 2-star generals, tiyak ang kani-kanilang mga deputy at magiging 1-star general din, di ba mga kosa? Hak hak hak! Pag nagkataon, magiging lima singko na ang heneral sa Camp Crame. Ang hindi pa malinaw ay kung kasali ang mga hepe ng limang police districts sa Metro Manila sa promotion na 2-star general sa mga region ng PNP. Tumpak!

Kapag 3-star na si Eleazar, aba lalong lalakas ang tsansa niya na palitan si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa Nov. 2019. Kung sabagay, sa ilalim ng PNP law, puwedeng maging isang PNP chief ang senior colonel kapag ginusto ni Digong. Subalit hindi pa nangyari ang ganitong sitwasyon dahil maraming senior officials ang tatamaan at hindi magiging maganda ang takbo ng PNP natin, di ba mga kosa? Tulad ni Albayalde, puwede kong masabi na from the outside si Eleazar dahil wala siyang matawag na Davao connection subalit hindi balakid ito. Kasi nga si Albayalde na mismo ang halimbawa na trabaho ang tinitingnan ni Digong sa pagpili ng PNP chief at hindi ang Davao connection, di ba mga kosa? Eh si Eleazar, sobra-sobra ang trabaho! Kaya sa pag-promote kay Eleazar bilang 3-star general at sa sobrang daming accomplishments niya mula QCPD, PRO4-A at sa NCRPO, malaki ang lamang niya sa mga kalaban sa pagka-PNP chief, di ba mga kosa? Hak hak hak! Marami ang hindi makakatulog sa Camp Crame dahil sa accomplishments ni Eleazar.

Usap-usapan sa Camp Crame na si Dep. Dir. Gen. Archie Gamboa, ang chief of directorial staff (CDS) ng PNP ang isinusulong ni Albayalde na papalit sa kanya subalit sa takbo ng trabaho ni Eleazar sa ngayon ay may magandang laban siya. Sa isang event ng PMA Cavaliers sa Camp Crame ininguso ni Albayalde si Gamboa na kanyang successor. Habang laman ng media ang pangalan ni Eleazar, si Gamboa naman ay silent lang kaya may kalamangan na ang NCRPO chief. Hehehe! Matagal pa mag-retire si Albayalde kaya marami pang mangyayari na magsilbing giya ni Digong para piliin ang papalit kay Albayalde. Teka nga pala! Hindi naman puwedeng maitsa-puera si Dep. Dir. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ng Civil Security Group (CSG), kahit panandalian lang siyang namuno ng NCRPO, di ba mga kosa? Hak hak hak! Baka sa darating na mga araw ay may susulpot pang «henyo» sa PNP maliban kina Eleazar, Gamboa at Cascolan! Abangan! 

vuukle comment

GUIL-LERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with