Basic cooking tips

Kung kailangan sa recipe ang tunaw na butter pero napakatigas pa nito, gadgarin ito sa cheese grater para mabilis matunaw.

Mas mainam lutuin ang bacon sa oven kaysa kawali.

Kapag naggigisa, unahing ilagay sa kawali ang sibuyas. Kapag malambot na ito, saka isunod ang bawang. Mas mainam ito para maiwasang masunog ang bawang.

Hugasan ng dalawang beses ang bigas bago isaing para matanggal ang starch. Mas magiging maganda ang texture nito kapag ginawang fried rice.

Palamigin muna ang karneng bagong luto bago ito hatiin. Kapag ginayat mo habang mainit, ang katas ng karne ay dadaloy palabas hanggang sa maging dry ito.

Kapag gagamit ng cumin or coriander sa recipe, isangag muna ito sa mainit na kawali na walang mantika. Mas lalakas ang flavour nito kapag ginawa ito.

Kung gagamit ng paminta sa recipe, ihalo ito habang naggigisa upang lumabas ang flavour nito.

Mas magiging masarap ang kamote kung iiihaw ito nang buo sa nagbabagang uling or ihurno dahil magka-caramelize ang natural sugar nito. Pero maling iluto sa microwave oven.

Lagyan ng asin ang tubig na pagpapakuluan ng pasta. Mali na lagyan ito ng cooking oil dahil mahihirapan ang sauce na dumikit dito.

Kapag magluluto ng omelette, lutuin muna ang fillings bago ihalo sa itlog.

Show comments