Matandang Tinali (106)

“SIGE na kumain na kayo. Pasensiya na kayo?’’ sabi ni Joy kina Dong at Manong Naldo.

“Naku kami dapat ang humingi ng paumanhin dahil naabala ka namin, Joy.’’

“Naku okey lang po, Manong Naldo. Wala nga po akong ginagawa. Naubos na kasi ang mga damit kong lalabhan kaya maghapon akong walang gagawin ngayon.’’

“Oo nga Joy, kami ang dapat humingi ng paumanhin.’’

“Okey lang Dong. Sige kain lang kayo. Galing sa Maynila ang ensaymada na ‘yan.’’

“Masarap ang ensaymadang ito, Joy. Espesyal siguro ito.’’

“Oo. Espesyal yan!’’

Kumain ang dalawa.

Uminom ng juice si Dong.

“Ikaw Joy, kumain ka rin,’’ anyaya ni Dong.

“Katatapos ko lang kumain nang dumating kayo, Dong.’’

“Nakakahiya dumayo pa kami rito para makikain ng ensaymada.’’

“E ano naman? Talagang kapag may dumating na bisita e pinakakain.’’

“Salamat, Joy. Hayaan mo at kapag ikaw naman ang bumisita sa amin e pakakainin din kita.’’

“Sige sinabi mo ‘yan ha?’’

“Oo, Joy.’’

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam si Manong Naldo kay Joy.

“May kukunin lang ako sa sapa.’’

“Sige po, Manong.’’

Naiwan sina Dong at Joy.

Nagkatinginan sila.

“Nag-iisa ka ba talaga rito Joy?’’

“Oo.’’

“Hindi ka natatakot sa gabi?”

“Hindi.’’

“Hanga ako sa’yo. Bihira ang babaing nakakapag-isa lalo sa ganitong lugar.’’

“Sana-yan din, Dong.’’

(Itutuloy)

 

Show comments