^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailangan pa ba ang PCGG?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailangan pa ba ang PCGG?

NILIKHA ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong Pebrero 28, 1986 sa pamamagitan ng Executive Order ni President Corazon Aquino. Itinatag ito para mabawi ang mga illegal na yaman na nakuha ni Pres. Ferdinand Marcos sa loob ng 20 taon na pamumuno. Pero sa loob ng 32 taon mula nang maitatag ang PCGG, tila naging makupad ang mga commissioners ng PCGG na mabawi ang mga illegal na yaman ng Marcos family? Sa nangyayaring ito, kailangan pa ba ang PCGG?

Ayon sa report, mula nang itatag ang PCGG, $4 billion lamang umano ang nababawi sa mga Marcos sa tinatayang $10 bilyon ang assets ng mga ito. Binubuo umano ang assets ng shares of stock, real state at mamahaling jewelries. Kabilang din umano ang “behest loans” sa mga banko na nakapangalan sa mga taong may koneksiyon kay Marcos.

Bakit napakabagal ng pagbawi? Sabi ng PCGG, lahat daw ng mga kasong may kaugnayan sa yaman ng mga Marcos ay under litigation at mahirap hanapin ang witnesses at documentary evidence. Sabi pa ng PCGG, isang dahilan din kung bakit matagal mabawi ang mga nakaw na yaman ay sapagkat ang key players ay nakabalik na sa power.

Tila wala nang magagawa ang PCGG para mabawi ang mga nakaw na yaman. Kung noong 1986 ay walang nagawa ang gobyerno ni Cory na mabawing lahat ang mga nakaw na yaman, ngayon pa kaya? Mainam sana na noon pa ay naging masigasig na ang gobyerno para mabawi ang mga ninakaw, pero hindi nangyari. “Tinulugan” lamang ng PCGG commissioners ang trabaho nila. Mayroon pa ngang PCGG commissioner na nakipag-party kay dating First Lady Imelda Marcos.

Kailangan pa ba ang PCGG? Sa aming palagay, hindi na. Buwagin na ito para naman mabawasan ang gastos ng gobyerno sa mga pinasusuweldo sa commissioners nito. Malalaki umano ang suweldo ng mga ito at bukod dun may allowance pa.

 

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with