^

Punto Mo

Pagkalat ng fake money, ibinabala ng PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa huling araw ng kampanya noong nakaraang Sabado, hindi talaga napigilan ang mga naganap na karahasang may kinalaman sa halalan.

Ilang pagpaslang pa rin sa mga kandidato ang naitala sa magkakahiwalay na lugar partikular sa mga lalawigan.

Sa tala ng PNP simula noong Abril 14 kung saan nagsimula ang election period para sa Brgy. at SK elections kung saan dito rin ipinatupad ang pagsisimula ng gun ban hanggang noong nakaraang Biyernes, 25 insidente ng karahasan at 23 kaso ng pamamaril ang naitala ng PNP. At eto nga sa mga insidenteng ito 27 ang naitalang nasawi at 6 ang nasugatan.

At ngayon na nga ang araw ng halalan, na dito na dapat ang mas matinding matututukan ng ating kapulisan.

Kabuuang 20, 000 pulis ang imomobilisa ng NCRPO sa araw ng halalan, 16,000 ang ikakalat sa bisinidad ng polling precincts, ang iba naman ay siyang magpapatrulya.

Eto ha, may babala ang pulisya sa mga magtatangkang politiko o supporters ng mga kandidato o kung sinuman tungkol sa vote buying.

‘Wag na kayong magtangka at ura-urada ay dadamputin kayo.

Inaasahan na kasi ng pulisya ang pagtaas ng bilang ng mga vote buying, expected na yan tuwing may eleksyon.

Dyan din nasusumpungan ang pagkalat ng mga pekeng pera na siyang isinisimple sa mga botante.

Kaya mag-ingat din ang mga botante, wag tanggap nang tanggap baka magamit pa ninyo pambili eh mga peke pala, kaya pa ang mahuli at makasuhan.

Dito kailangang makipagtulungan sila at agad na ireport sa mga kinauukulan ang mga nanunuhol o bumibili ng boto.

Upang makaiwas naman sa anumang kaguluhan, pagkatapos na bumoto ay magsiuwi na lamang at sa bahay na maghintay ng resulta ng halalan.

Dapat na manaig ang mahinahon at malamig na ulo sa panig ng mga kandidato, supporters nila at mga boboto.

Mainit na ang panahon kaya dapat lang maging mahinahon para maiwasan ang anumang kaguluhan na pwedeng mauwi sa pagkakasakitan.

Sana ay muling maidaos sa mapayapa at tahimik na paraan ng isasagawang halalan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with