Lumang tren
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - April 29, 2018 - 12:00am

Salamat at ngayo’y waring natauhan

ang mga opisyal ng pamahalaan;

Mga luma’t colorum ngayo’y ibinabawal

gayung matagal nang ito’y naglalakbay!

 

Kung nasabing batas ay paiiralin

colorum bus at jeep tamang patigilin;

Nagsasamantalang iyo’y patakbuhin

mayayaman na sila -- sa bayan ay taksil!

 

Akalain mo bang sa habang panahon

bago naisipang pagbawalan ngayon;

Sasakyang colorum nag-akyat ng bilyon

sa mga buwitreng bus-jeep operators!

 

Sila’y nagbibigay nang maraming pera

sa mga opisyal na walang konsensya;

Kaya ang PNR na dapat maganda

Wala ng bagong tren lahat luma na!

 

 

LUMANG TREN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with