Albayalde, Aquino at Lim, bida ang dating!

SISIBAKIN daw ni PNP chief Director General Oscar Albayade ang mga pulis na masasangkot sa extortion, kidnapping at bentahan ng bawal na droga. Maliwanag na ang pagbabantang ito ni Albayalde ay base sa mga recorded incidents at mga kaso nang nakasampa sa korte at ang iba ay nasa proseso na ng imbestigasyon. Sila ang nagpapasama sa imahe ng PNP, kaya makailan nang iniyakan ni former PNP chief Director General Bato dela Rosa ang mga kahihiyang ginawa ng police scalawags sa panahon ng panunungkulan nito. Kung papaano susugpuin ni Albayalde ang kasamaan ng mga pulis, siguradong magbibigay ito ng excitement sa tax payers. Subaybayan po natin ito!

PDEA bida mga fake PDEA ubos na ba?

Ang sunud-sunod na raids ng grupo ni PDEA chief Aaron Aquino ang pumipilay ng husto sa industriya ng bawal na droga, partikular ang shabu, cocaine at party drugs sa buong bansa  ang bumandera sa mga balita na ikinatutuwa ng mamamayan. Nagsimula si Aquino noong Agosto 2017 at pinatunayan nito kay Digong na kaya niya ang trabahong iniatang sa kanya. Patunay dito ang maraming pag-aresto at pagkumpiska ng  bilyong halaga na resulta ng operations sa Metro Manila, Naga City, Bacolod City, Iligan City, Cavite, Batangas, Quezon province at Central Luzon. Bagama’t malasado pa rin at hindi pa talaga nasusugpo ang illegal drug business sa bansa, malaking banta sa druglords ang dedikasyon ng PDEA sa pamumuno ni Aquino. Problema na lang ang mga fake PDEA, ubusin mo nga Sir!

MMDA bumibida, towing trucks kontrabida

May ilan pa ring kotong enforcers ang MMDA na nadadakma, pero mas malaki ang ambag ng mga photo at video ops nito sa social media na nagpapakita ng walang habas na paggiba sa mga illegal stalls at towings ng mga illegally parked vehicles bukod pa sa pagpapasara ng bus terminals na may violations na nakasasagabal sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Maganda na sana, kaya lang, nasisilip din ang kasuwapangan ng mga accredited private towing trucks ng MMDA na nag-ooperate kahit walang kasamang law enforcers. Kalas hila kapag naglagay sa kanila? Kontrabida nga!

Show comments