^

Punto Mo

Hot spots sa halalan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaking hamon sa bagong upong PNP Chief Director Oscar Albayalde ang gaganaping Brgy. at Sk elections sa susunod na buwan.

Dito magkakaalaman kung paano nila napaghandaan ang seguridad sa isasagawang halalan.

Kung tutuusin, kahit pa sabihing barangay level pa lamang ang halalan, dito madalas na nasusumpungan ang maraming insidente ng karahasan.

Lalo na nga’t sa tala ng PNP,  mahigit sa limang libo ang natu­koy nilang areas of concern o hot spots.

Sa Metro Manila, sinasabing ang lungsod ng Caloocan ang siyang natukoy na may pinakamaraming hot spots.

Isipan pang sa ibang lugar, halos magkakamag-anak ang naglalabang kandidato.

Kailangan ding mabantayan ang mga supporters ng mga ito. Ang simpleng iringan madalas  na nauuwi sa matinding kaguluhan..

Kung matindi ang paghahanda ng PNP sa ipapatupad na seguridad sa halalan, dapat ding mabantayan ang ilan nilang mga tauhan na ginagamit na escort ng mga kandidato.

May mga insidenteng sila pa mismo ang pinagmumulan ng mga kaguluhan kaya dapat na matutukan.

Imbes na sila ang magbantay sa kapayapaan sila pa ngayon ang dapat na bantayan.

Matagal nang ipinag-utos ng pamunuan ng PNP na bawal sa mga pulis ang magsilbing bodyguard ng mga kandidato pero malamang na may ilan pa ring pasaway na patagong gagawa nito kapalit ng ibabayad sa kanila.

Lalu na nga sa mga liblib na lugar, may ilang mga pulis ang nagsisilbi tuloy na private army ng mga kandidato.

Hindi lang sa mismong oras ng botohan dapat nakatutok ang mga awtoridad kundi hanggang sa mga bilangan na dito din nagsisimula ang mga kaguluhan sa magkakalabang grupo ng mga kandidato.

Sa panig naman ng mga botante mas makabubuti siguro na matapos na bumoto, eh umuwi na sa kani-kanilang mga bahay para iwas na rin sa gulo.

Malaki ang inaasahan ng mga botante sa ating kapulisan para sa isang ligtas at mapayapang halalan na dapat na mabantayan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with