Panambitan
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - April 22, 2018 - 12:00am

Pag-ibig ko ay dalisay -- pag-ibig ko ay matapat

Sa babaing sa buhay ko’y matagal nang pinapangarap;

Sa bintanang durungawan kapag ako’y nasa tapat

Sana ako’y dungawin mo’t pagmasdan ang lumiliyag!

 

At kung minsang naglalakad sa malawak na lansangan

Bawat hakbang na gawin mo ay aliw ko na pagmasdan;

Kung sa bawat paghakbang mo ay kasabay ang magulang --

Sa kanila ang puso ko’y nagsasaad ng paggalang!

Saka mutya kung sa gabi’y maliwanag ang bituin

Ikaw yaong isang tala na sa aki’y maluningning;

Ang nais ko’y makalipad upang ikaw ay abutin

At sa lupa’y makita mong naghihirap ang damdamin!

 

Sa pisngi ko’y dumarampi ang amihang sakdal bango

Ako’y bitbit nitong hangin sa malapit na simboryo;

Sa luhurang naroron na luhuran ng tuhod mo

Ang dasal kong mataimtim sana ika’y katabi ko!

PANAMBITAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with