^

Punto Mo

Albayalde, action agad vs threat sa seguridad ng Metro!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Iniwan na tayo ni kosang Jeffrey Tiangco, reporter ng People’s Journal. Halos tatlong dekada ring reporter si kosang Jeff at halos naikot na niya ang police beats sa buong Metro Manila at mga ahensiya ng gobyerno sa coverage niya. Ang huling coverage ni kosang Jeff ay ang NCRPO at Southern Police District, kasama na ang local government units, courts at iba pa. Subalit habang reporter siya ng PJ, may sideline pa si kosang Jeff sa legal department ng Department of Education (DepEd) kaya palagi kaming nagkikita sa MERPO sa EPD annex building sa Meralco Ave. sa Pasig. Siyempre, palagi kaming nagbibiruan at kasama na ang paggunita ng nakaraan dahil dati kaming magkasama sa People’s Journal. Hehehe! Bistado na ang edad ko ah! Ang huli naming pagkikita ni kosang Jeff ay noong nakaraang Biyernes kung saan humahangos siyang pumasok sa press office dahil galing siya sa Siargao kung saan may event ang DepEd. Tulad ng dati, masayang nagkuwento si kosang Jeff sa Siargao trip niya. Umalis ako habang nag-a-upload si kosang Jeff ng mga pictures sa Siargao at ang iba rito ay pinost pa niya sa Facebook. Kaya nagulat ako nang tumawag si kosang Arlene Rivera noong Lunes ng gabi at sinabing natagpuan si kosang Jeff sa kanyang inuupahang kuwarto at dinala sa ospital. Paalam kosang Jeff! Salamat sa mga masayang alaala!

• • • • • •

Nilinaw ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde na walang banta sa seguridad sa Metro Manila nitong linggo at mga darating pang mga araaw. Sinabi ni Albayalde na tahimik ang Metro Manila sa ngayon at ang intelligence community ay walang namonitor na terrorist threat, maging sa darating na Holy Week celebration next week. Ginawa ni Albayalde ang paglilinaw matapos kanselahin ni President Duterte ang klase sa buong antas sa Metro Manila noong Martes bunga sa “actual/or imminent threat post by some groups.’’ Hindi naman nilinaw ni Digong kung anong grupo itong gustong maghasik ng kaguluhan sa Metro Manila subalit marami sa mga kosa ko ang nagsasabing baka me natunugan ang intelligence agency ng gobyerno kaya’t nag-iingat itong presidente natin. Siyempre, ang una dapat na may alam kung me banta man sa seguridad ng Metro Manilan’s ay itong si Albayalde subalit tahasan n’yang sinabi na wala naman daw threat kahit sa anong grupo. Ang panawagan pa ni Albayalde sa Metro Manilan’s ay gawin ang dati nilang ginagawa tulad ng pag-shopping at pagpunta sa mga lugar na dinudumog ng mga tao dahil ligtas sila. Hak hak hak! Puwede nang matulog ng mahimbing, hindi lang si Digong, kundi maging ang Metro Manilan’s dahil sinisiguro ni Albayalde ang kaligtasan nila, di ba mga idol? Tumpak!

Kaya naman nagkaroon ng kulay itong pagkansela ng klase ni Digong noong Martes kasi galing pa lang sa transport strike ang Metro Manila na isinagawa ng PISTON. Noong Lunes kasi, nag-strike ang PISTON bunga sa pagtutol nila sa plano ng gobyerno na i-phase out na ang mga lumang jeepney sa lansangan bunga sa naging source sila ng makapal na usok at trapik. Ayon kay Albayalde, hindi naman naapektuhan ang mga commuters sa transport strike subalit sinabi ni PISTON Pres. George San Mateo na tagumpay ang hakbangin nila bunga sa naiparating nila ang mensahe nila sa gobyerno. Ang siste lang, sinabi na ni kosang George na walang transport strike noong Martes kaya marami ang nagtaas ang kilay nang ikansela ni Digong ang klase sa lahat ng antas. Siyempre, natuwa ang mga public schools subalit marami sa private schools, tulad ng Don Bosco at Community of Learners Foundation, ay hindi na nagpauwi ng estudyante. Hindi din nagpauwi ang mga kolehiyo tulad ng UST dahil prelims na nila at ang ibang kolehiyo naman ay finals na. Kaya sa biglaang pagkansela ni Digong ng klase, marami ang nagtatanong, “Anong kaguluhan itong pinagsasabi ng presidente?” Lalo pa’t nagatungan pa ito ni spokesman Harry Roque na puwede ring buong linggo ipakansel ang klase sa Metro Manila at bahala na ang sa labas ng Metro kung nais nilang sumama. Hak hak hak! Maging si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ay nagsasabi ring walang threat sa Metro Manila kaya lalong nawala ang tension ng mga residente. Get’s n’yo mga kosa?

Kahit walang threat naman sa Metro Manila, inutusan ni Albayalde si Sr. Supt. Eleazar Matta, ang intelligence chief ng NCRPO na talasan ang kanilang pagmamatyag sa mga critical areas ng Metro Manila para makagawa sila ng paraan para hindi malusutan ang kanilang security preparedness lalo na sa Holy Week. Uumpisahan na ni Albayalde ang security inspection sa mga bus terminal, airports, seaports at mga vital government installations para masiguro ang kaligtasan ng lahat. Kung ang mga opisyales ng PNP ay tulad ni ALbayalde na masipag at action agad, tiyak tatahimik ang bansa natin, di ba mga kosa? Hak hak hak! Mukhang gumaganda ang tsansa ni Albayalde na palitan ang klasmeyt n’yang si Bato ah? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with