Banda, nagpainom sa 8,000 manonood sa Belgium

TINATAYANG nasa mga walong libong manonood ng isang concert sa Belgium ang inilibre ng tag-iisang round ng beer ng bandang tumutugtog, dahilan upang makapagtala sila ng world record.

Gusto kasing siguraduhin ng bokalista ng bandang The Script na si Danny O’Donoghue na may iinuming beer ang bawat isa sa kanilang mga taga-panood bilang pagdiriwang ng St. Patrick’s Day kaya binigyan niya ang lahat ng tag-iisang token para sa libreng beer.

Pawang mga taga-Ireland ang mga miyembro ng banda kung saan isang national holiday ng kapistahan ni St. Patrick na kinikilalang patron na santo ng mga Irish.

Karaniwang ipinagdiriwang ang St. Patrick’s Day sa pamamagitan ng pag-inom ng beer kaya naman naisipan ni O’Donoghue na dalhin ang tradisyon sa Belgium sa pamamagitan ng pamimigay ng beer sa lahat ng nanonood.

Kasabay na rin daw ng pagdiriwang ng St. Patrick’s Day ang pagtatala nila ng world record para sa pinakamalaking round ng beer, ani O’Donoghue sa lahat ng kanilang audience.

Sabay-sabay namang itinaas ng 8,000 na mga manonood ang kanilang mga bote at baso bago rin nila sabay-sabay na tinungga ang kani-kanilang mga beer.

Show comments