Australia’s ‘strongest man’, hinila ang 8-toneladang tanke

PANALO sa isang tagisan ng lakas na idinaos sa Australia ang kinikilalang pinakamalakas na lalaki sa Australia matapos niyang magawang hilahin ang isang walong-toneladang tanke.

Hinila ng 27-anyos na si Eddie Williams ng 10 metro ang tanke sa loob ng 36.65 segundo, na sapat na para siya ay makapagtala rin ng bagong world record.

Nasa isang dosena sa pinakamalalakas na mga indibidwal sa buong mundo ang tinalo ni Williams sa inorganisang patimpalak ni Arnold Schwarzenegger, na nagsimula bilang body builder bago pa siya sumikat sa pag-aartista.

Nagmamay-ari rin si Schwarzenegger ng tanke, kaya iyon ang kinailangang hilahin ng mga kalahok sa contest upang maipamalas ang kanilang lakas.

Ang contest ang kauna-unahan sa mundo kung saan isang tankeng pandigma ang kinailangang hilahin ng mga kalahok.

Kadalasan kasi ay mga truck ang hinihila sa mga kompetisyong pampalakasang katulad ng pinanalunan ni Williams.

Show comments