^

Punto Mo

31 magkakasama sa trabaho naghati-hati sa pinakamalaking lotto jackpot sa kasaysayan ng Canada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INSTANT milyonaryo ang 31 magkakatrabaho sa isang oil refinery sa Canada matapos nilang mapanalunan ang pinakamalaking jackpot na tinamaan sa kasaysayan ng lotto roon.

Pinaghati-hatian ng 31 na manggagawa ang 61 million Canadian dollars na premyo (katumbas ng halos P2.5 bilyon).

Sama-samang tinanggap ng grupo ang premyo sa isang ceremony nito lamang Miyerkules. Nagpa-picture pa ang mga bagong milyonaryo kasama ang dambuhalang tseke na sumisimbolo sa halagang kanilang napanalunan.

Pinaghati-hatian ng grupo ang jackpot dahil nitong nakaraang tatlong buwan ay nag-aambagan sila sa pagbili ng ticket. Bawat isa ay nag-aambag ng 5 Canadian dollars kaya ang kada taya nila ay umaabot sa 155 dollars (o katumbas ng higit P6,000).

Sulit naman ang iniambag ng bawat miyembro dahil ang bawat isa sa kanila ay tinatayang makakatanggap ng tig-1.9 million Canadian dollars (katumbas ng humigit-kumulang P75 milyon).

Mas masuwerte pa ang ilan sa mga miyembro ng grupo katulad na lang ng isang mag-asawa na pareho pa rin makakatanggap ng bahagi ng premyo. May mag-ama rin at isang pares ng kambal na tig-iisa pa ring tatanggap ng 1.9 million Canadian dollars.

Lima sa grupo ang pinili nang magretiro mula sa trabaho samantalang ang natitirang 26 ay pinili pa ring bumalik sa kanilang mga tungkulin sa pinapasukan nilang oil refinery.

May proyekto raw kasi sila na hindi pa natatapos at ayaw naman daw nilang abandonahin ang kanilang mga kasamahan sa trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with