Ako ay may puso
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - March 4, 2018 - 12:00am

Ako ay may puso -- pusong nagmamahal

Ng isang pag-ibig na walang kapantay;

Ang langit at lupa kanyang nasasaklaw

Sapagka’t ang Diyos ay aking patnubay!

 

At dito sa lupa itong pag-ibig ko

Hindi magmamaliw habang ako’y ako;

Kahit ang katawan ay ganap ng abo

Puso ko’y pipintig para lang sa’yo!

 

Sa iyong pagdalaw sa mga simbahan

Puso ko’y naroon sa harap ng altar;

Kahit sementeryo ang iyong pupuntahan

Sa lupa’t semento ang puso ko’y buhay!

 

At kung ang puso ko’y di na tumitibok

Sa lupang himlayan doon ay susulpot --

Ang isang bulaklak - ang kanyang talulot

Ay korte ng pusong sa iyo’y pag-irog!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with