Clark International Airport

SINUSUPORTAHAN ni Puwersa ng Bayaning  Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles ang panawagan ni Speaker Bebot Alvarez na maglipat ng ilang flights sa Clark International Airport, Pampanga, upang  matugunan ang lumalaking problema ng ‘overcapacity’ sa NAIA.

Kuento ni Nograles, ang lahat ng umiiral na mga flight sa NAIA ay maaari pa ring panatilihin dito pero ang mga bagong application para sa mga domestic at international flights ay dapat sa Clark  imbes sa NAIA. 

Kinampihan ni Nograles si Alvarez sa mungkahi nitong ilipat ang ilang flights sa Clark dahil nga sa  lumalalang air traffic sa NAIA dahil sa over-congestion dito.

Ibinida ni Nograles, na maari nilang simulan na suspindihin ang mga bagong application ng flight sa NAIA at sa halip ay irekomenda at aprubahan ang mga bagong flight application sa Clark International Airport.

Ikinuento ni Nograles, na napansin niya ang NAIA’s Terminals 1,2,3 at 4 ay lumagpas na sa  capacity nang tuntunin ng passenger traffic.

Sa buong airport mismo ay mayroon nang nararanasan na pang araw-araw na kasikipan sa air traffic sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga flights na nagmumula sa loob at labas ng NAIA.

Ang paglipat sa mga existing flight sa NAIA papunta sa Clark ay maaring pahirap sa mga pasaherong nakatira sa Metro - Manila at iba pang lugar sa southern provinces lalo’t sa kawalan ng mahusay na sistema ng transportasyon na maaring magdala sa kanila papunta at palabas ng Clark. 

‘A possible compromise is to maintain the status quo in as far as the existing flights at the NAIA is concerned and divert all new flight applications at the Clark International Airport.’ Banat ni Nograles.

Birada ni Nograles, sa ilalim ng kasalukuyang set-up, ang apat na terminals sa NAIA ay may kabuuan kapasidad  lamang na 31 million passengers every year. 

Last year may 42 million passengers ang dumating sa mga terminals ng NAIA sobra ito ng 11 million.

Sa Clark, may kabuuan passenger capacity na 4.2 million pero makakabawas ito sa pasahero sa NAIA.

Sabi ni Nograles, puede pang magkaroon ng expansion sa Clark.

Sabi nga, maaring mabuo ang Clark bilang isang pangunahin airport hub na magsisilbi sa lahat ng mga bagong application flight, domestic o international.

This is the win-win formula to solve NAIA’s air traffic mess without compromising the economic activities. We should manage all existing NAIA flights to solve the passenger and airline traffic gridlock but at the same time develop all new flights to Clark,’ bida ni Nograles.

Itinutulak ni Nograles,  ang pangangailangan upang mapabilis ang lahat ng mga proyekto tulad ng ipinanukalang mga sistema ng tren ng pagpunta sa Clark at ang patuloy na Skyway system na nag-uugnay sa Southern Luzon Expressway (SLEX),  Northern Luzon Expressway (NLEX) system upang masiguro ang isang mas mabilis at mas mahusay na transportasyon para sa lahat ng pasahero na nanggagaling sa Clark.

Show comments