^

Punto Mo

Peligro ng kanser sa cell phone, maliit lang?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI nang pananaliksik ang naisagawa hinggil sa kung meron ba o walang peligro sa sakit na kanser ang mga gumagamit ng cell phone pero wala pang malinaw na sagot dito ang mga dalubhasa sa kalusugan hanggang sa kasalukuyan.

Gayunman, dalawang pag-aaral na isinagawa sa US ang nagsasaad na maliit lang ang tsansa ng kanser sa mga tao ang radiation na nagmumula sa cell phone.

Itinuturing namang pinakakomprehensibo ang naturang mga pag-aaral sa epekto ng radiation na lumalabas sa cell phone na isinagawa sa loob ng 10 taon.

Ayon kay John Bucher, senior scientist ng National Toxicology Program sa United States, ang resulta ng pag-aaral na isagawa sa mga daga ay hindi maaaring iangkop nang direkta sa tao.

Nagpalabas ng pahayag ang US Food and Drug Administration na nagsasabing nirerespeto nito ang pananaliksik ng toxicology program, nirepaso na  nito ang iba pang mga pag-aaral sa kaligtasan sa cell phone at wala silang nakikitang sapat na ebidensiya na nakakasama sa kalusugan ng tao ang cellphone radiation.

Sinasabi ni FDA Center for Devices and Radiological Health Director Dr. Jeffrey Shuren sa ulat ng New York Times na , kahit sa araw-araw na madalas na paggamit ng mayorya ng mga adult, wala silang nakikitang dumagdag na sakit tulad ng brain tumor.

Ang payo na lamang ng mga health official sa mga nababahala sa mga peligro rito, bawasan ang mga oras na ginugugol sa cell phone, gumamit ng headset o speaker mode para hindi na ididiin sa ulo ang cell phone at iwasang gamitin ito sa pagtawag kapag mahina ang signal nito. Paliwanag ni Bucher, nadadagdagan ang radiation na ibinubuga ng cell phone kapag mahina ang signal nito dahil kailangang trumabaho nang husto ang telepono para maka-connect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with