Coffee shop sa japan, robot ang taga-timpla ng kape
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 5, 2018 - 12:00am

NAGBUKAS kamakailan sa Japan ang isang kakaibang coffee shop. Sa halip kasi na mga tao ay nag-iisang robot ang nagtitimpla ng kape at nagsisilbi sa mga customers.

Nito lamang nakaraang linggo unang nagsilbi sa publiko ang robot na pinangalanang Sawyer ng Henna Café, na matatagpuan sa Shibuya shopping district sa Tokyo.

Pinagsisilbihan ni Sawyer ang mga customers sa pamamagitan ng pag-scan ng ticket na kinukuha ng mga mamimili sa isang vending machine.

Si Sawyer ang nagtitimpla ng kape, na ginagawa niya mula sa coffee beans na siya pa mismo ang naggigiling. Kaya rin niyang gumawa ng ilan pang mga inumin katulad ng tsaa sa tulong ng isang automated machine.

Hindi naman magkamayaw ang mga parukyano ng Henna Café sa pagkuha ng litrato sa robot na nagsisilbi sa kanila.

Ayon naman sa operator ng café ay hindi lamang para mapabilis ang kanilang serbisyo kaya kumuha    ng isang robot bilang barista. Para na rin daw ito sa libangan ng mga customers, na naaaliw mula sa pakikipagsalamuha nila sa isang robot.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with