Pampa-bango ng hininga

SIMPLE lamang ang recipe ng pantanggal ng bad breath:

Ingredients:

Katas ng 2 pirasong lemon

1 cup maligamgam na tubig

Kalahating kutsara ng cinnamon powder

1 kutsaritang baking soda

1 kutsarang honey

Procedure:

1.   Pagsamahin ang lahat ng ingredients.

2.  Haluin mabuti hanggang matunaw ang baking soda at humalong mabuti ang cinnamon. Mainam na gumamit ng blender.

3.  Pagkatapos magsepilyo,  ang mixture na ito ang ipangmumog. Mas matagal ang pagmumumog, mas effective.

4.  Itago sa bote ang matitira upang may magamit na pangmumog kinabukasan.

Ang cinnamon at honey ang nagtatanggal ng bacteria na sanhi ng bad breath. Ang baking soda naman ay nagpapaputi ng ngipin. Ang aroma ng lemon ang nagpapabango ng hininga. Ang katas nito kapag humalo sa baking soda ay nagiging mas epektibo sa pagpapaputi ng ngipin at pagtanggal sa masamang amoy ng hininga.

Show comments