‘Pagwalis’ sa mga lumang jeepney, tuluy-tuloy na!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

MUKHANG hindi na mapipigilan magbanta o magsagawa man ng malawakang welga ang transport group, dahil tuluy na tuloy ngayong buwan ang pagsisimula sa pagpapatupad sa transport  modernization program ng pamahalaan.

Sa naturang programa, unang tatamaan ang mga pampasaherong jeepney na may edad nang 15-taon pataas.

Asahan nang sa mga susunod na araw, ayon na rin sa Department of Transportation (DOTr) ilulunsad na nilang tuluyan ang pagsasagawa ng motor vehicle inspection system (MVIS). Ito ang magdedetermina hindi lamang sa edad  kundi sa worthiness ng mga luma at kakarag-karag ng mga pampasaherong jeepney.

Wawalisin na talaga nila ito sa mga lansangan para bigyang daan ang pagpapatupad ng modernization program na sa totoo nga naman ay matagal nang nabinbin dahil sa pagbibigay sa kahilingan ng transport group.

Nakailang hinto na nga naman ito para lang bigyan ng panahon ang mga operator na mapalitan na nila ang kanilang mga sasakyan, at ngayon nga ay humihirit na naman na ito ay mapagpaliban.

Baka ang mangyari kung pagbibigyan silang muli, eh tuluyan nang mawalang saysay ang programang ito.

Sa ilalim ng programa, ang mga jeepney nga na may 15-taon na pataas ay papalitan ng mga electric powered o Euro 4 compliant vehicles.

Ang sosyal pala ng mga jeepney na ito, na may nakakabit na CCTV, GPS navigation system, automatic collection system, dash camera at may wifi pa.

Tiniyak ng DOTr n a magiging kombiniente ito sa mga pasahero at sa panig naman ng mga operator o driver maitataas pa nito ang kanilang kita.

Isa rin sa layunin ng programa ay makatulong sa pagbawas ng trapik sa mga lansangan.

Kasi nga dahil nga sa luma at marami na ang kakarag-karag ng jeepney sa lansangan, madalas magsanhi ng trapik dahil madalas nang nasisiraan.

Isama pa rito na dahil sa kalumaan, banta na rin sa kaligtasan ng mga sakay nitong pasahero na madalas masangkot sa mga aksidente sa lansangan.

Kung bibigyang pagkakataon, doon makikita ang magiging resulta nito kung epektibo ba o hindi.

Pero hindi rin dapat na makalimutan na kahit anong bago ng sasakyan ,kung ang tsuper  naman nito eh’ bulok’ magmaneho, aba’y malaking banta pa rin ito sa kaligtasan ng mga pasahero.

Marami pa rin kasi ang mga barumbado at pasaway na driver ng mga pampublikong sasakyan, mapa-jeepney o bus na mistulang naghaharian sa daan. Ito ang dapat ding matutukan!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with