^

Punto Mo

Bakit pinatay si John Lennon?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG September 8, 1980, isang sikat na psychic na nagngangalang Alex Tanous ang ini-interview ni Lee Spiegel, host ng programang, Unexplained Phenomena ng NBC radio. Live ang interview at mismong nagaganap sa opisina ng American Society for Psychical Research (ASPR) na matatagpuan sa West 73rd Street, New York City.

Spiegel: Hinahamon kita, Alex. Magbigay ka ng prediction na magiging relevant and interesting  sa target audience ng programa, 18 to 35 age group.

Tumahimik si Alex na tila nagco-concentrate. Maya-maya ay nagsalita.

Alex: Isang sikat na rock star ang mamamatay nang biglaan. Malapit na itong mangyari. Basta’t bumilang kayo ng ilang buwan mula sa araw na  ito. There is something strange about his death. Maraming tao ang maaapektuhan sa kanyang pagkamatay dahil sa kasikatan niya. Ang rock star na ito ay taga-ibang bansa pero dito sa US naninirahan sa kasalukuyan.

Muling nanahimik si Alex. Mula sa bintana ng kanilang opisina ay tinanaw niya ang building sa tapat ng kanilang opisina—isang superior high-rise building na kilala bilang Dakota Apartment.

Makaraan ang tatlong buwan simula ng interview, isang gabi ng December 8, 1980, isang limousine ang huminto. Unang bumaba si Yoko Ono. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba ang kanyang mister, si John Lennon bitbit ang tapes na ginamit niya sa recording session.

Habang pumapasok  si John Lennon sa entrance ng Dakota Building, may boses itong narinig...Mister Lennon ! Paglingon ng tinawag ay tumambad sa kanya ang matabang lalaki na may hawak na baril. At nakatutok iyon sa kanya.

Ilang saglit lang ay nakarinig ng putok si Yoko Ono. Huli na nang balikan niya si John, nakahandusay na ito at sa tingin niya ay tila wala nang buhay. Sa bandang huli, makikilala ang matabang lalaki na si Mark Chapman, 25 years old.

(Itutuloy)

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with