Ang asawang bigla na lang nawala

TAON 1961 nang sila ay ikasal pero martial law na ay hindi pa rin sila pinagkakalooban ng anak. Ayon sa doktor na tumi-ngin sa kanila, si Ana ang may diperensiya sa ovary. Kinausap nang masinsinan ni Ana ang asawang si Abet.

“Open ka ba sa idea na mag-ampon tayo?” tanong niya kay Abet.

“Mahal, may anak man o wala, hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa iyo. Ayokong mag-ampon. Mas madaling tanggapin ng aking kalooban na wala tayong anak kaysa magpapakahirap akong maghanapbuhay para sa batang anak naman ng ibang tao. So don’t worry, okey lang sa akin ang sitwasyon natin. Ikaw na lang ang magiging beybi ko habang buhay.”

Si Abet ay mekaniko sa talyer ng kapatid ni Ana na si Jim. Nakiusap minsan si Jim na sunduin ni Abet sa airport ang biyenan nito na nanggaling sa US. Kotse ni Jim ang ginamit. Pagkasundo sa airport ay nag-inuman pa ang mag-bayaw. Bandang 5 p.m. ay umuwi na si Abet. Ang talyer at bahay ni Jim ay nasa Balic-Balic samantalang ang bahay ni Abet ay nasa Legarda. Pagsapit sa Bustillos, katapat ng simbahan, ay bumaba si Abet. Nagkataong may misa kaya nagpasya itong dumaan muna sa simbahan.

Sa bahay, hindi mapakali si Ana. Alas diyes na ng gabi ay wala pa rin si Abet. Tumawag siya kay Jim.

‘Maaga pa ay umalis na ang asawa mo’

‘Saan kaya nagpunta ‘yun?’

Kinabukasan, wala pa rin si Abet. Lumipas ang isang linggo inisa-isa na ni Ana ang mga ospital sa paligid ng Sampaloc. Baka sakaling naroon ang asawa. Lumipas ang isang taon...walang Abet na umuwi sa kanilang bahay.

(Itutuloy)

Show comments