^

Punto Mo

Naapektuhang mga sibilyan sa bakbakan, dapat matutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hanggang kahapon, lalong tumindi ang bakbakang nagaganap sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at nang nanggugulong grupo ng Maute sa Marawi City.

Nag-air strike na rin ang government troops sa ilang barangay na sinasabing pinagkutaan ng grupo ng mga terorista na walang magawa kundi maghasik ng kaguluhan at takot sa mga nananahimik na mamamayan.

Mistulang ghost town na ang Marawi dahil maraming residente na ang nagsilikas sanhi sa matinding takot na madamay o maipit sa nagaganap na bakbakan.

Sa ganitong labanan talaga, ang labis na naapektuhan eh mga sibilyan.

Kaunting damit lang ang mga dala sa paglikas, napipilitang iwan ang kanilang mga kabuhayan at siyempre priority nga naman ang buhay at kaligtasan ng kanilang pamilya.

Kapag minalas-malas pa, collateral damage ka.

Pero kailangan din naman kasing kumilos ng gobyerno para tuluyang masupil na ang grupo naghahasik ng kaharahasan sa kung saan-saan.

Masuportahan natin ang pagsisikap ng pamahalaan para masupil ang ganitong grupong terorismo ang dala.

Pero sa isang banda, dapat din naman na mabigyan ng seguridad at matignan din naman ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Hindi lang ang kanilang kaligtasan, sana ay magabayan din sila sa kanilang pansamantalang masisilungan. Apektado pati kabuhayan ng mga ito  at sa panahong at pagkakataong ito kailangan naman nila ang kalinga ng gobyerno.

Walang pang katiyakan ang itatagal ng krisis na ito, kaya naman ang pagtugon ng mga kinauukulan sa mga na-displaced na sibilyan ang dapat ding mabigyang prayoridad ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with