^

Punto Mo

Brain drain

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MATAGAL nang problema ng bansa natin iyang brain drain.  Wala siyang direktang salin sa wikang Filipino pero, ibig niyang sabihin, nauubusan ang Pilipinas ng mga propesyonal, dalubhasa sa iba’t ibang larangan, scientists, doktor, nurse, inhinyero, arkitekto at iba pang matatalino at may matataas na pinag-aralang mga kababayan natin na mas piniling dumayo, manirahan at magtrabaho sa ibang bansa na nakakapagbigay sa kanila ng mas magandang oportunidad. Mga dayuhan ang nakikinabang sa kanilang talino at kasanayan at hindi tayo rito sa Pilipinas. Maaalala rito iyong kaso ng mara-ming mga scientist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration na sunud-sunod na nagbitiw sa trabaho para tanggapin ang mas magandang offer sa ibang bansa tulad sa mas mataas na sahod. Bukod sa mga scientist na ito, nariyan din ang maraming doktor na dumadayo sa ibang bansa.  Kaya hindi kataka-taka kung lumalagare sa iba’t ibang ospital ang mga doktor na nananatili rito sa Pilipinas dahil nga sa kakulangan ng kanilang bilang.

Nabanggit ni Senador Grace Poe sa isang pahayag nitong nagdaang linggo na, batay sa datos ng Department of Science and Technology,  tumaas nang 148 porsiyento ang bilang ng mga science and technology workers sa Pilipinas ang nagtrabaho sa ibang bansa. Mula sa 9,877 noong 1998 ay tumaas sa 24,502 noong taong 2009 ang bilang ng mga propesyonal sa larangan ng siyensiya at teknolohiya ang lumisan dito at nagtrabaho sa ibang bansa. Napakalaki na sa loob lang ng sampung taon.

Naghain nga si Poe ng panukalang-batas (Senate Bill 1324) na nagbibigay ng mga insentibo at pribilehiyo   para bumalik sa Pilipinas at ibahagi rito ang kanilang mga natutunan ang mga Filipino scientist na nagtatrabaho sa ibayong-dagat. Kailangan anya ang “brain gain program” lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya para mapabuti ang potensiyal na pag-unlad. Sana nga maging ganap na batas ito at hindi sana matulad sa ibang mga panukalang-batas hinggil sa siyensiya at teknolohiya na hindi makausad kahit hanggang magbakasyon ang Kongreso. Meron ngang mga  panukala noon hinggil sa pagkakaroon ng space program  at pagtatayo  ng sariling space agency ng Pilipinas dahil napapag-iwanan na tayo ng ibang mga bansa sa larangan ng space exploration pero tila ang balita rito ay parang hanggang sa pagsasampa lamang ng bill.  Ni wala ako naba-balitaan kung umabot ito kahit man lang sa sub-committee level ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Tila hindi ito kabilang sa prayoridad ng mga mambabatas. 

GRACE POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with