‘Mayor Erap, pakikastigo MTPB n’yo’
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 16, 2017 - 12:00am

GARAPALAN sa pangongotong ang mga enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau sa Sta. Cruz, Manila. 

Ang kakapal ng mukha. Siguro sa tagal nang gumagawa ng milagro hindi na nakakaramdam ng takot. 

Para silang mga dagang nagtutumpukan at nagkakasayahan habang wala ang pusa. 

Nakauniporme pa man din. Ang sisipag. Tirik na tirik ang araw, talagang seryosong nagmamatyag. 

Pero ang tingin hindi doon sa mga lumalabag. Kundi sa mga motoristang alam nila kaya nilang isahan at pagtripan. 

Ang daming dumadaan na walang helmet mapa-driver ng motorsiklo at rider, pinalalampas. May mga kumakaliwa sa no left turn, ayos lang. 

Malayo pa lang nakaabang na ang kanilang kamay. Magmamando na lang kapag mayroon na silang naispatan. 

Matalino rin ang mga gunggong. Hinahatak sa madilim na  bahagi ng covered pathwalk sa kahabaan ng Rizal Avenue sa may Fugoso ang motorista para doon makipag-abutan.

Alam n’yo po ba ito Mayor Joseph Estrada? Sir, pakikastigo ang mga tao n’yo diyan. 

Matagal na raw silang dumidiskarte diyan. Pinostehan ng Kilos Pronto team, ‘yun positibo at kumpirmado. 

Panoorin n’yo na lang ho ang video, President-Mayor. Uploaded po sa aming website, March 10 episode. 

Kayo na po ang isa-isang kumilala sa kanila. Kayo na rin po ang bahalang kumastigo sa kanilang katarantaduhan. 

Hindi lang ho ito sa may Rizal Avenue. Pakisilip na rin ho lahat ng MTPB deployment n’yo. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe saBITAG Official YouTube account.  

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with