‘Kano ba DFA Chief natin?’

AMERIKANO o Pilipino? Ito ang isyung kinakaharap ngayon ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.

Nung nakaraang taon pa lang pumutok na ang isyu nang umupo siya sa posisyon. Ayon sa Civil Service Commission ang sinumang Pilipino na may dual citizenship ay hindi pwedeng humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno. 

Taong 1986 nang maging U.S. citizen si Yasay at nag-renounce noong 1993 para makakuha ng Philippine citizenship pero hindi siya nagtagumpay. Nung nakaraang taon, dalawang araw bago ang kanyang panunumpa.

Itinanggi ito ni Yasay at sinabing hindi siya U.S. citizen at ang kanyang mga anak lang kahit pa matagal siyang tumira sa Amerika.

Hindi daw siya naging kwalipikado sa pagkuha ng U.S. citizenship at iginiit niyang siya’y Pilipino. Hindi daw niya nakompleto ang residency requirement.

May plano daw siyang magbalik nun sa Pilipinas at iwan na ang permanent residency sa Amerika.

Tumakbo bilang Senador at bise Presidente si Yasay nung mga nakaraang eleksyon at ilan lang ito sa patunay na ang mga dokumentong ipinasa niya ay nagsasabing siya ay Pilipino.

Ang pahayag ni Yasay na hindi siya nakakuha ng U.S. citizenship ay taliwas sa kanyang mga ipinasang mga dokumento ng kwestiyonin siya tungkol sa kanyang citizenship.

Kung mapapatunayang nagsinungaling sa Commission on Appointments (CA) si  Yasay ay makakasuhan siya ng ‘Perjury’.

Nasa listahan din daw ang pangalan ni Yasay na nag-renounce ng kanyang citizenship nung huling quarter ng 2016.

Hinihintay pa nilang makumpirma ang mga hawak na dokumento. Hindi pa din nagpapasa si Yasay ng ‘certificate of loss of nationality on the United States’.

Dalawang bersiyon ang storya dito. Ano ba talaga ang citizenship ni Yasay? Amerikano ba o Pilipino?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Show comments