Kalidad ng mga pampublikong sasakyan, panahon na para itaas!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 27, 2017 - 12:00am

May ikinasa na namang nationwide strike ngayong araw na ito ang ilang transport group.

Siyempre apektado na naman dito ang mga mananakay na posibleg ma-stranded sa kanilang mga patutunguhan.

Gayunman, umaasa sila sa pangako ng mga pamahalaan na paglalaan ng mga masasakyan sa mga commuters na posibleng ma-stranded sa lansangan.

May ilan pang ngang paaralan sa mga lalawigan ang napilitang magsuspinde ng klase dahil sa ganitong pagkilos  ng transport group.

Naiintindihan natin ang damdamin ng mga ito, partikular nga ang mga maliliit na operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan na maaapektuhan dahil na sa ipapatupad na moder-nization program ng pamahalaan sa mga public vehicles.

Kabilang nga rito ang prinoprotesta, partikular na ng mga pampublikong jeep at bus na may edad na 15-anyos pataas na ma-phase out na sa mga lansangan, na ito naman ay para na rin sa kapakanan ng kanilang mga pasahero o sakay.

Kung tutuusin matagal na sana itong ipinatupad, noong nakalipas na taon dapat ay napa-implimenta na ito pero humirit nga ang ilang transport group para umano mapaghandaan nila dahil hindi ura-urada sila makakakuha ng mga bagong sasakyang ipapasada.

Napagbigyan ang ganitong kahilingan at taon nga ang ibinigay sa kanilang palugit, ngayon at ipapatupad na itong tuluyan humihirit na naman dahil sa maaapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Naunawaan natin ang ganitong kadahilan, pero sana rin ay maintindihan nila na kapakanan ng mga mananakay ang nakasalalay sa ganitong pag-aksyon. Baka nga kung naipatupad na ito noon pa man, baka naiwasan ang mga nakalipas na malalaking trahedya sa lansangan.

Pinakahuli na nga rito ang pagsalpok ng isang tour bus sa poste ng kuryente sa Tanay.Rizal. Labing-apat na

estudyante ang nasawi rito, maging driver ay nasawi rin at ang dahilan nawalan ng preno.

Nabatid na mahigit na sa 20 taon ang naturang bus na ginagamit pa rin. 

Hayag naman at nakikita natin na marami na talagang kakarag-karag na sasakyan ang patuloy na tumatakbo sa mga lansangan,

madalas na nasisiraan pa na nagsasanhi pa ng matinding trapik.

Marahil ay panahon na para sa maayos na pampublikong sasakyan ang magamit ng ating mga commuters, para na rin sa ligtas 

at maginhawa nilang paglalakbay.

Maging ang kaayusan ng mga driver marahil ay apapanahon na rin para ipaupad.

Karamihan sa mga driver natin nakakalimutan na ang kaayusan, marami sa namamasada naka-short, naka-sando, tsinelas at marungis. 

Dati ay may uniporme pa ang mga ito na ngayon na ay tuluyang hindi nagagawa.

Gayunman, sana rin ay matulungan ng pamahalaan ang maaaring maaapektuhang sa pag-phase out ng mga lumang sasakyan para 

naman meron silang pagkakitaan.

Unawaan at intindihan lamang sa isyu ang kailangan, at huwag nang daanin pa sa mga welga o strike dahil lahat ay 

posibleng maapektuhan.

Ang mga magwewelga na walang kita at ang maaapektuhan ng strike na maaabala.

STRIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with