^

Punto Mo

‘Nasa diwa pa ba ang EDSA?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

TAONG 1986 habang nasa Ortigas kami kasama ng ilang kababayan nang may mga umiikot-ikot na helicopter sa amin at inakala kong bobombahin na kami.

Walang natinag sa mga taong nandun at nanatiling mga nakatayo.

May naglanding na helicopter sa Camp Crame na pinamumunuan ni Captain Antonio Sotelo yun pala para makipagsanib pwersa.

Ilan sa mga namuno sa EDSA Revolution ay si Cardinal Jaime Sin na nanawagan sa mga Pilipino na bigyan ng suporta ang mga taong kasalukuyang nasa EDSA.

Dalhan ng mga pagkain, gamot o suporta para sa ipinagla-laban na kalayaan. Ang Radyo Veritas ang naging instrumento nung mga panahong yun para makarating sa mga Pilipino ang kanilang panawagan.

Dumagsa ang mga tao para makisama sa tahimik na pagpoprotesta. Ilang beses na pinatigil ang Radyo Veritas pero nakahanap pa din ng paraan para magbigay ng ulat sa mga Pilipino kung anong hakbang na ang ginagawa ng gobyerno.

Lahat nakatutok sa Radyo Veritas para makibalita pero maraming tao ang nakiisa.

Lalong nabawasan ang tiwala ng tao sa rehimeng Marcos nang mapatay si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983.

Nagkaroon nga ng snap election noon at inilaban si dating Presidente Cory Aquino pero ang idineklarang panalo ay si Marcos pa din.

Dito na nagsimulang kumilos ang iba’t-ibang grupo kabilang sina Cardinal Sin at Cardinal Ricardo Vidal. Ilang mga pari at madre na namuno sa mga dasal at vigil.

Kasama sa gabinete ni dating Presidente Ferdinand Marcos sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos pero nagbitiw sila at sumama sa rebolusyon.

Kagaya ng aking mga staff at ilang millenials hindi na nila naabutan ang EDSA revolution.

Nababasa na lang nila sa libro at nakukwento ng kanilang mga magulang na nakaranas nito. Nawawala na ba ang tunay na diwa ng EDSA revolution?

May nagsasabi na parang susuwayin nila ang sinasabi na sa Camp Aguinaldo gaganapin ang pagdiriwang at dun sila sa EDSA shrine. Magandang tingnan kung marami ang pupunta o kung nakalimutan na ba o wala lang pakialam sa diwa ng EDSA.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with