10 Senyales na Matalino ka
…bukod sa mataas mong score sa IQ Test
Mahilig magmura. Ang pagmumura kasi ay laging ikinakabit sa kawalan ng pinag-aralan. Pero base sa Language Sciences, ang “swear words” ay may koneksiyon sa “verbal fluency”. Mas maraming cursed words na naiisip sambitin, mas magaling ang kanyang vocabulary. At ang taong mabokadura ay matalino.
Mahilig makipagsapalaran. Sa Finland , napatunayan sa kanilang pag-aaral noong 2015, na ang matatalino ay bukas sa mga pagsubok at hindi natatakot mabigo sa kanilang pakikipagsapalaran.
Tamad mag-exercise. May taong non-thinker kaya bored sila sa buhay. Dahil naiinip sila, bumabaling sila sa physical activities—sports o halos tumira na sa gym. Ang taong laging nag-iisip, tamad silang gumalaw. Isipan lang ang aktibo. Mas gugustuhin nilang magbasa ng libro o sa internet, mag-video games.
Panganay sa magkakapatid. Siya ang natutukang mabuti ng mga magulang mula pagkasilang hanggang sa pag-aaral. Oo, naalagaan din mabuti ang younger siblings, pero dahil panganay mas istrikto ang pag-aalaga.
Hindi naniniwala sa Diyos. Ang tingin nila sa religious belief ay isang alamat. Ito ay irrational dahil walang scientific study, not testable, para patunayan kung may katotohanan ang mga aral na itinuturo.
(Itutuloy)
- Latest















