6 Klase ng Babae

… na nakakarelasyon muna ng isang lalaki bago niya matagpuan si Miss Right sa bandang huli:

‘Yung first crush mo noong high school. Pero kadalasan, ayon sa pag-aaral, itong first crush na nagiging first girlfriend ang madalas nagiging dahilan ng kanilang first heartache.

Party Girl. Mahilig gumimik. Sa kanya mo natutuhan ang “bar hopping”. Pero sa bandang huli ay magsasawa ka sa ganoong buhay. Maiisip mo, hindi pala siya seryoso sa buhay kagaya ng hindi niya pagseryoso sa inyong relasyon. Umaga kayo nag-break, kinagabihan, may kapalit ka na.

Tsismosa. Lagi siyang may pasalubong na tsismis sa iyo tungkol sa kanyang “exes”, kabarkada niya, o kaya kabarkada mo. Minsan alam din niya kung sino ang bading sa mga prof ninyo. Natatakot ka tuloy makipag-break sa kanya. Baka ikaw naman ang pulutanin niya sa mga kaibigan ninyo o sa magi-ging kapalit mo.

Babaeng sobrang maganda pero boba. Mapapatunayan mo na walang hahantungan ang pag-iibigang nakabase lang sa physical attraction. Ang nakakatuwa, nagpahiwatig ka na nang break-up, hindi pa rin niya ma-getz. Kailangan pa ng isang tagapagsalita para tahasang sabihin na “Sorry daw, ayaw na niya”. Saka lang nito naintindihan.

Sobrang selosa. Impiyerno pala ang buhay kapag ang babaeng kasama mo ay selosa.

Drama Queen to the highest level. Okey sana kahit madrama pero sinasabi ang dahilan kung bakit siya nagtatampo o umiiyak. At least alam mo kung paano siya susuyuin para mawala ang tampo. Pero itong drama queen to the highest level, basta na lang hindi kikibo. Kapag tinanong kung “what’s wrong”, ang maarteng sagot ay “wala” o “basta”.  Impiyerno rin ang may ganitong girlfriend, kaya bago ka masunog, makipag-break na lang.

Final: Miss Right o She’s the One. Sa hinaba-haba ng mga naging syota, nakita rin sa wakas ang dadalhin niya sa altar. Siya ‘yung hindi naman santa pero mapapaantanda ka sa sobrang ligaya kapag kapiling mo siya. Hindi pang-Miss Universe ang kanyang hitsura pero kapag tinititigan mo siya ay gandang-ganda ka sa kanya. Oh my God, hindi mo mapapatawad ang iyong sarili kapag pinakawalan mo pa siya. may ganitong girlfriend, kaya bago ka masunog, makipag-break na lang.

Final: Miss Right o She’s the One. Sa hinaba-haba ng mga naging syota, nakita rin sa wakas ang dadalhin niya sa altar. Siya ‘yung hindi naman santa pero mapapaantanda ka sa sobrang ligaya kapag kapiling mo siya. Hindi pang-Miss Universe ang kanyang hitsura pero kapag tinititigan mo siya ay gandang-ganda ka sa kanya. Oh my God, hindi mo mapapatawad ang iyong sarili kapag pinakawalan mo pa siya.

Show comments