May namamatay din pala sa katatawa

Zeuxis

Isa siyang Greek painter noong 5th-century BC. May isang matandang babae na nagkomisyon sa kanya na gumawa ng painting ng diyosang si Aphrodite pero sa isang kondisyon…ang matandang babae ang uupo bilang  modelo. Hinimatay ang pintor sa katatawa hanggang sa malagutan ng hininga.

Chrysippus

Siya ay 3rd-century Greek philosopher. Nakita niyang kinakain ng donkey ang kanyang tanim na figs. Inutusan niya ang kanyang alipin na kumuha ng wine at ipainom sa donkey. Para raw may panulak sa figs na kinakain. Kumbaga, ang figs ang magsisilbing pulutan. Tuwang-tuwa siya sa sariling joke, na ikinahalakhak niya nang todo. Maya-maya ay nanigas siya. Walang nagawa ang alipin kundi tingnan ang amo na nakangiti hanggang sa huling sandali.

King Martin of Aragon

Noong 1410, ang ikinamatay niya ay hindi mapigilang pagtawa na may kasamang indigestion. Kumakain siya nang biglang magtawa.

Pietro Aretino

Noong 1556, namatay siya sa suffocation dahil sa sobrang pagtawa.

Thomas Urquhart

Isa siyang Scottish aristocrat at translator sa English ng sinulat ni François Rabelais. Nagtawa siya nang nagtawa nang mabalitaan niyang hinirang nang hari si Charles II of England.

Image source:

Charukriti.org

Show comments