^

Punto Mo

Food poisoning (Last part)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KADALASAN sa mga kaso ng food poisoning ay self-limiting lamang. Ibig sabihin, pagkalipas ng 24-48 oras matapos lumabas ang mga sintoma ng food poisoning, muling babalik sa dati ang katawan. Nawawala na ang sintoma ng pagsusuka, pagtatae, paghilab ng tiyan, o panghihina. Sa mga panahong ito, mahalagang mapalitan ng fluids ang mga nawalang tubig sa katawan bunga ng pinagsamang pagsusuka’t pagtatae. Kung hindi mapapalitan ang nawalang tubig, mauuwi ito sa dehydration.

Narito ang 10 home remedies para sa food poisoning:

Huwag munang bigyan ng matitigas na pagkain ang pasyente. Palitan lang muna ang nawalang tubig ng rehydration solution (ito ‘yung solution na karaniwang ginagamit natin kapag nagtatae tayo). Kahit tigkakaunti lamang pero dalasan. Baka kasi maisuka lamang kung pakakainin na ng mga solid foods. Tandaan, fluids muna ang iremedyo bago bumalik sa dating kinakain.

Iwasang uminom ng alak o iba pang alcoholic beverages. Iwasan din ang inuming mayaman sa caffeine gaya ng kape at cola. Iwasan din ang matatamis na inumin. Lalo lamang makaiirita sa tiyan ang matatamis na inumin.

Kung gagamit ng Gatorade at iba pang sports drink (para sa mga adults na nagkaroon ng food poisoning) bilang pamalit sa nawalang fluid sa katawan, maipapayo kong haluan ito ng tubig bago inumin. Marami kasing asukal ang naturang sports drink at mahalagang mapalabnaw muna.

Puwedeng uminom ng tsaa na may halong lemon o luya.

Kung huminto na ang pagsusuka at kaya nang kumain, simulan ang pagpapakain ng tigkakaunti lamang. Huwag biglain ang tiyan.

Kumain ng mga pagkaing hindi mabigat sa tiyan. Subukan ang lugaw, tinapay, patatas, cereal na low-sugar, karneng walang taba, at manok (huwag prito).

Kung umiinom pa ng gatas, puwede nang muling pasimulan ang pag-inom ng gatas lalo na kung walang kaso ng lactose intolerance.

Hindi na kailangang painumin ng mga gamot na nabibili lamang over-the-counter ang mga pasyenteng may food poisoning. Kung sakali mang gagamit nito, hindi naman masasabing delikado ang mga ganitong gamot. Mas maigi pa ring ang doctor ang magpayo sa inyo kung ano ang dapat at di-dapat inumin.

Kung malusog ang ating immune system at gumaganang mabuti, kaya nang labanan ng ating katawan ang ilang nakapasok na mikrobyo.

Kakailanganin lamang ang pagpapaospital at pagpapa-lagay ng suwero kung hindi na kaya ng home remedies ang kaso ng food poisoning. Makaiiwas sa dehydration kung aagapan agad ng pag-inom ng oral rehydration solution ang pasyente.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with