Parusa sa reckless imprudence, pataasin
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 18, 2016 - 12:00am

MAY panukala na pala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Kongreso na patindihin ang batas laban sa mga driver na sangkot sa pagkamatay ng kanilang pasahero.

Noon pa man eh sinabi na ni  LTFRB boardmember Ariel Inton na  panahon na umano upang mapatindi ang ngipin ng batas laban sa mga kaskaserong driver para nga naman magkaroon ang mga ito ng takot    at tuloy maprotektahan nila ang kanilang buhay at buhay ng kanilang mga pasahero.

Noon din lang nakaraang buwan, kalunus-lunos ang  pagkamatay ng isang batang lalaki matapos na daanan ng rumaragasang dalawang passenger bus na nag-uunahan sa pag-arangkada sa lansangan sa Quezon City .

Dahil dito, giit nga ng LTFRB na matutukan ang batas na may kinalaman sa  reckless imprudence cases na nagreresulta sa pagkasawi partikular na ng mga inosenteng nadadamay lamang sa kawalang disiplina ng maraming driver. Nais din ng LTFRB na itaas ang imprisonment at maging ang halaga ng piyansa lalo na sa mga hit and run cases.

Pinuna ni Inton ang   mababang halaga lamang ng  piyansa sa mga kaso ng  may namamatay sa isang insidente ng vehicular accident kaya agad nakakapagpiyansa ang  driver at patuloy na hindi nagiging disiplinado sa lansangan.

Kung maaari umano ay igigiit ng LTFRB ay non bailable ang igawad ng alinmang korte sa bansa sakaling ang isang driver ay masangkot sa tatlong insidente ng vehicular accident na pawang may namatay sa aksidente.

Kapansin-pansin talaga na mistulang wala nang takot sa batas o sa mga nagpapatupad nito ang mga reckless drivers.  

May panawagan din sila sa mga hukom ng alinmang korte sa bansa na huwag idismis ang kaso ng vehicular accident kung ang complainant ay wala nang ganang ituloy ang kaso. Mas mainam anilang mismong ang korte na ang magtuloy sa ganitong mga uri ng kaso upang mabigyan ng leksiyon ang mga kaskaserong driver.

Dapat nga!

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with