^

Sa araw ng mga Puso

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

Kung puso ang ating magiging sandigan

ng ating pag-ibig sa sangkatauhan

tiyak maghahari ay kapayapaan

at ang tao’y walang tunggalian!

 

Walang kahi’t sinong mag-aasal hudas

kung puso’y iiral sa lahat nang oras;

pagkat ang pag-ibig na sa puso nulas

matapat, dalisay at walang katulad!

 

Kaya sa pagsapit ng Araw ng Puso

magmahalan tayong wagas at totoo;

igala ang tingin sa lahat ng dako

bawa’t makikita’y may samyo at bango!

 

Sa Araw ng Puso ay itaas natin

doon sa pedestal ang hikbi at daing

na sa bawat misyon na ating gagawin

lakip ay pag-ibig na lubhang taimtim!

ACIRC ANG ARAW ATING IBIG KAYA NBSP PAG PUSO SA ARAW WALANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with