Pasko

Sa araw ng Pasko’t sa lahat ng oras

tayo’y magmahalan nang tapat na tapat

kalungkutan nati’y mapapawing ganap

at walang mayaman wala ring mahirap!

 

Kung puso sa pusong tayo’y mag-uusap

gulo sa Mindanao ay hindi kakalat;

at ang kamatayan ni Leo’ng pangahas

tatanggapin nating sa puso’y maluwag!

 

At huwag isipin na ang puso’y sakim

pagka’t ito’y banal sa damdamin natin

kung puso’t pag-ibig ang paghahariin

kahit ka pulubi ay marangya rin!

Show comments