Ulan at basura

Kahit na umulan na ubod ng lakas

mga tubig baha dapat makalabas;

di tulad sa ngayong halos walang butas

dahil sa basurang sa ilog nagtambak!

 

Saka kung ang ating basura sa bahay

ay di itatapon sa kung saan-saan

tiyak na lulusog ang ating katawan

lalanghaping hangin sariwa’t dalisay

 

Basura’y sunugin o kaya’y itapon

sa tamang lugar lang sa umaga’t hapon;

disiplina sa basura ay ating isulong

upang tayong lahat ligtas sa polusyon!

Show comments