Sir Juan (17)

HINDI naman siya “patay na lukan” para hindi malaman na may motibo si Nectar kung bakit siya tinawag at sinabing may problema sa banyo. Wala namang problema sa banyo. Alam niya dahil lagi niyang iniinspeksiyon ang banyo. Kunwari lang na may problema pero ang totoo, mayroon itong balak.

Lalaki siya at puwede niyang patulan ang kung anumang balak ni Nectar. Puwede niya itong pagbigyan. Siguro’y talagang malakas ang appeal niya kay Nectar kaya kung anu-anong kapilyahan ang naisip.

At alam din niya, sinadya ni Nectar na buksan ang shower para sila mabasa. Talagang may balak si Nectar na may mangyari sa kanila. Kanina, bumakat nang husto ang dibdib ni Nectar nang mabasa ang damit. Para bang nasa script ang nangyari. At talagang hindi ito nag-bra para lalong bumakat ang mga suso. Nasulyapan niya ang mga suso ni Nectar at talagang nagmumura.

Kung pilyo siya sa tsik, baka may nangyari na sa kanila ni Nectar. Pero ayaw niya. Lagi niyang naaalala ang mga sinabi ng kanyang ina na huwag hahaluan ng kalokohan ang pagpapatakbo sa negosyo. Baka malasin ang negosyo at bumagsak. Hindi niya iyon kinalilimutan.

Pero maganda si Nectar. Kaya lang, hindi pa panahon.

LAGING nasusubaybayan ni Juan ang mga kilos ni Mahinhin. Sa araw ay papasok ito sa school at sa gabi ay papa­sok naman sa trabaho nito sa pabrika.

Nagtataka siya kung sa pabrika nga ito nagtatrabaho. Bakit gabi ang pinili niya. Saan kayang pabrika ito nagtatrabaho?

Aywan ni Juan kung bakit palaisipan sa kanya si Mahinhin.

(Itutuloy)

Show comments