Kauna-unahang murder na nakunan ng camera at naipalabas sa TV

ANG pagpatay kay Lee Harvey Oswald ni Jack Ruby ang kauna-unahang kaso na nakunan ng camera at naipalabas sa TV.

Si Oswald ang assassin ni US President John F. Kennedy noong Nobyembre 23, 1963. Binaril ni Oswald si Kennedy habang nasa convoy ng mga sasakyan sa Dallas,Texas. Nahuli agad si Oswald pagkaraan ng asasinasyon at ikinulong sa basement ng Dallas police station.

Kinabukasan, Nobyembre 24, 1963, inilabas sa station si Oswald para ilipat sa isang secure na jail. Maraming security at mga pulis. Maraming miyembro ng media ang nag-abang sa pag­lilipat kay Oswald. Maraming television cameras ang nakatutok kay Oswald habang inaalis sa jail.

Dakong 12;20 ng hapon, habang naglalakad si Oswald patungo sa isang kuwarto, biglang sumulpot si Ruby at binaril ito. Kuhang-kuha ng television camera ang pagbaril kay Oswald. Isang bala lamang mula sa calibre 38 na baril ang ginamit ni Ruby para mapatay ang assassin. Kitang-kita rin sa camera ang pagbagsak ni Oswald makaraang barilin.

Naaresto si Ruby at iki­nulong. Ayon kay Ruby ang matindi niyang galit sa pagkakapatay kay Kennedy ang naging dahilan kaya niya pinatay si Oswald. Naparusahan si Ruby dahil sa pagpatay. Namatay siya habang na­kakulong noong 1967.

Show comments