Masakit na… forever

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 10, 2015 - 10:00am

NAALAALA ko ang karanasan ng aking tiyahin tungkol sa babaero niyang mister matapos kong panoorin ang Etiquette for Mistresses. Matagal nang pumanaw ang mag-asawa (pasensiya na po…maganda kasing ikuwento ang love story ninyo). Akala ko noon, kaya nambababae ang lalaki ay dahil pangit ang kanyang misis o kaya ay hindi ito maga-ling sa sex. Hindi pala. May mas malalim pang dahilan. Di hamak na mas cute at edukada ang aking tiyahin kumpara sa mga karibal na kabit.

Kahit walang sinasabi ang aking tiya kung sino sa kanilang mag-asawa ang may diperensiya, hula ng mga tao ay mister nito ang baog. Yes, opinyon ng mga tao. Kalat na kalat sa buong bayan ang pambababae ni Uncle pero kahit isa ay wala itong nabuntis. Minsan, ang isa niya ex-kabit ay nakakuha ng lalaking nagpakasal sa kanya. Nagkaanak ng marami ang ex-kabit sa kanyang asawa. Bakit sa tiyuhin ko… waley?

Kunwari ay napasama sa istorya ang isang naging kabit ni Uncle. Tapos nakilala siya ni Georgina (ginampanan ni Kris Aquino), siguradong makakatikim ng sermon ang kabit ni Uncle. Aba, ang lakas ng loob ng bruha na sumama sa pangangampanya sa eleksiyon at siya ang buong ningning na nagpapakilala sa mga tao na misis ni Uncle. Kaya kapag tiyahin ko naman ang napadaan sa lugar na pinuntahan ng kabit, tinatanong ng mga tao ang aking tiyahin kung sino sa kanila ang legal na asawa. Napapahiya ang aking tiya, huwag nang isama  ang sakit ng kalooban.

Sa pelikula, si Georgina ang klase ng kabit na prim and proper. Alam niya kung saan siya lulugar. Isang big NO sa kanya ang pagpapakita ng kabit sa lugar na pinupuntahan ng legal na asawa. Sa husay niyang magdala ng pagiging kabit, siya ang inatasan ni Zoren Legaspi na mag-training kay Ina (Kim Chui) kung paano maging prim and proper na kabit. Si Ina ang kabit ni Zoren. Nagkataong kaibigan ni Zoren ang kabit ni Georgina.

Ang resulta ng pangangabit ni Uncle ay naging aloof sa tao ang aking tiyahin. Parang siya ang napapahiya sa pinaggagagawa ng kanyang asawa. Lumalabas lang siya ng bahay kapag pupunta sa trabaho. Kahit kailan, hindi siya namamalengke. Sa palengke kasi niya naririnig ang mga tsismis tungkol sa pagtataksil ng kanyang asawa. Naaawa sa kanya ang mga tao at ayaw niyang kinaaawaan siya. Wala akong naalaala na umiyak siya dahil sa kataksilan ng kanyang asawa. Umiyak siya noon lang namatay ang kanyang ama. Ang aking ina at mga pamangkin niya ang inutusan niyang mamalengke para sa kanya. O, kaya sa palengke ng ibang bayan siya namimili.

Hindi naman sila naghiwalay. In fact, umabot sa 60 years ang kanilang pagsasama. O, yes, may FOREVER din, sa kabila ng paulit-ulit na kataksilan.

AKING ANG ASAWA GEORGINA KABIT KAHIT KIM CHUI KRIS AQUINO MGA SI INA SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with