^

Punto Mo

Mag-asawang Black Nigerian nagkaanak ng white baby

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala at makapagsalita si Angela Ihegboro, 35, nang una niyang makita ang sanggol na isinilang. Ang kanyang baby ay isang puti! Silang mag-asawa ay parehong Itim! Nagmula sila sa Nigeria at nag-migrate sa London ilang taon na ang nakararaan.

“Siya ay miracle baby,” sabi ni Angela habang katabi ang asawang si Ben Ihegboro, 44, na gulat na gulat din sa sanggol na isinilang. Hindi rin makapaniwala si Ben na magkakaroon ng anak na puti.

Ganunman, hindi siya nagduda na talagang sa kanya ang sanggol sa kabila na puti ito.

Tapat daw sa kanya si Angela. Walang duda na talagang anak niya ang sanggol na pinangalanan nilang Nmachi.

Habang lumalaki si Nmachi ay kapansin-pansin ang kanyang ganda. Asul ang kanyang mga mata at blonde ang buhok.

Dalawang teorya ang sinabi ng genetic experts kung bakit may isinilang na Puting sanggol mula sa mga Itim na magulang:

Una, ang sanggol na si Nmachi ay resulta ng gene mutation. Dahil dito. Ipapasa pa ni Nmachi sa susunod na lahi ang pagiging Puti.

Ikalawa, si Nmachi ay produkto ng long-dormant white genes na pinasa ng kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay hindi pa matuklasan kung ano ang dahilan.

Ikatlo, maaaring si Nmachi ay isang Albino o may kakaibang uri ng mutated genetic condition na posibleng sa pagdaan ng panahon ay maging itim din ang balat.

vuukle comment

ANG

ANGELA

ANGELA IHEGBORO

ASUL

BEN IHEGBORO

DAHIL

DALAWANG

GANUNMAN

HABANG

ITIM

NMACHI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with