Mga Hindi N’yo Alam…tungkol kay Floyd Mayweather Jr.
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - March 25, 2015 - 12:00am

(Third Part)

SI Mayweather ay nakatira sa 22,000-square-foot, five-bedroom, seven-bath custom-built mansion na nasa Southern Highlands Golf Club sa Las Vegas, Nevada. Dumaan siya sa 47 fights na walang talo. Siya ang highest paid athlete sa buong mundo noong 2014 ayon sa listahan ng Forbes.

Kung disiplina sa training, bibigyan mo siya ng perfect score na 100 percent. Alas-tres pa lang ng madaling-araw ay gising na siya para sa kanyang training. Ngunit pagdating sa pakiki­pagrelasyon sa babae… bokya. Pitong beses na siyang inireklamo dahil sa iba’t ibang kaso ng pananakit ng babae. Dalawang beses siyang nakulong sa magkaibang kaso ng pananakit sa babae. Hindi natuloy ang plano niyang tour sa Australia dahil tinanggihan siyang bigyan ng visa. Ang dahilan ng Australia: “substantial criminal records” and on the grounds of a more vague “character requirement.”

Si Justine Bieber lang ang kanyang kaisa-isang kaibigan na ‘white’. Nagbo-bonding sila mga 3-4 times a week.

Nagmamay-ari siya ng apparel company na tinawag niyang The Money Team.

Ang mga kotse niyang naka-park sa Miami house ay pulos white samantalang black naman ang mga cars niya sa Las Vegas house.

Kapag siya ay nagbibiyahe, sa hiwalay na private jet nakasakay ang kanyang bodyguards. Ayaw niyang isama ang mga ito sa kanyang sinasakyang jet dahil natatakot siya na bumagsak ito sa sobrang laki ng mga ito.

(Itutuloy)

AYAW DALAWANG DUMAAN LAS VEGAS MONEY TEAM SI JUSTINE BIEBER SIYA SOUTHERN HIGHLANDS GOLF CLUB THIRD PART
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with